Bilang kinatawan ng U.P. Medical Alumni Society (UPMAS) at UPCM Silver Jubilarian Class of 1999, nakibahagi si UPMAS President, Dr. Ryan B. Capitulo, sa Community Outreach ng U.P. Manila Alumni Association (UPMAA) sa Tablon Elementary School, Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal noong ika-11 ng Agosto 2024.
Tinuruan ang mga katutubong Dumagat kung paano mapangalagaan ang kalusugan, makaiwas sa sakit, at maitama ang mga maling paniniwala. Isang karangalan para sa UPMAS namakilahok sa pagpapatupad ng UHC Act (health promotion, disease prevention) at makatulong sa mga katutubong Dumagat sa Lalawigan ng Rizal.